Ang mga kawani ng Research and Creative Work Division na sina Mark Andy Pedere at Lance Romulus Dayrit ay ginawaran sa 2025 National Youth Achievement in Literary Arts In recognition of Distinction in Creative Writing ng National Commission on Culture and the Arts. Sila ay kinikilala sa kanilang pagkapanalo ng mga parangal, paglilimbag ng mga piyesa, at paglulunsad ng mga writing fellowships at performances.
Sila ang mga bagong dugo ng mga manunulat mula sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman.