Menu Close

Pagsusulong ng Sining at Siyensya sa Wikang Filipino

Ang A.H.A. Handaan Na! ay idineklarang ‘Finalist para sa Natatanging Proyekto sa Filipino” ng Gawad Sentro ng Wikang Filipino (SWF) noong Paglulunsad at Paggawad 2025 Agosto 29, 2025 sa Atencio Hall, UP Diliman. 

Kinikilala ng SWF ang mga proyekto na nagbibigay ng kontribusyon sa wikang Filipino. Ayon sa SWF, “Pinararangalan natin ang kanilang masigasig na pakikilahok sa mga proyektong malinaw na tumatangkilik at nagtataguyod sa wikang Filipino at nagtatampok sa kakayahan ng wika na magsilbing instrumento ng inobasyon, pananaliksik, at pakikipag-ugnayan.”

Sa pangunguna ni Dr. Glecy Atienza, Direktor ng Research and Creative Work Division, ang A.H.A. Handaan Na! ay isang kumpersensiya, eksibit, palihan, at pagtatanghal na itinatampok ang “Anticipatory Action” maagap na aksyon o “gawaing A.H.A.” mula at para sa komunidad. Upang maisakatuparan ito, may limang grupo na pinili na silang nagbahagi ng kanilang ideya sa pamamagitan ng awit, sayaw, dula, sining biswal, at iba pang anyo ng sining para alamin ang mga ideya na “papatok” sa madla.