
October 26, 2025 โ Quezon City. Sa pakikipagtulungan ng University of the Philippines Resilience Institute (UPRI) โ Research and Creative Work Division at ng Barangay Health Workers (BHWs) ng Brgy. UP Campus, matagumpay na naisagawa ang ovitrap deployment sa lahat ng pook ng Barangay UP Campus.
Ang ovitrap ay isang kasangkapan upang tukuyin ang mga lugar sa Brgy. UP Campus na may mataas na panganib ng dengue, habang kasabay na nakatutulong upang mabawasan ang populasyon ng mga lamok. Inaasahang magpapatuloy ang programang ito, kung saan regular na imo-monitor ang mga na-deploy na ovitrap upang makabuo ng dengue risk map na magsisilbing batayan sa pagtukoy ng mga lugar sa barangay na kinakailangan nang isailalim sa fogging o pagpapausok, clean-up drive, at iba pang programa para sa dengue prevention at control ng barangay.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng CORD Project ng UPRI-RCW na naglalayong palakasin ang community-based dengue surveillance sa Brgy. UP Campus, upang isulong ang katatagan sa kalusugan ng komunidad.