Resilience Live Episode 8: Ang Kabalintunaan ng Pananaliksik Tungkol sa Disaster: Hegemonya, Pagtunggali, at Dismaya
Date: April 25, 2024
Speaker: Dr. JC Gailliard
Bionote: Si JC ay Ahorangi / Propesor ng Heograpiya sa Waipapa Taumata Rau, Aotearoa, at International Research Fellow sa University of the Philippines Resilience Institute. Dati rin siyang membro ng faculty ng Departamento ng Heograpiya ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Tungkol sa mga kalamidad ang kanyang pagsasaliksik at pagtuturo. Marami rin siyang proyekto kasama ang mga Non-Government Organisations at lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas.
Presentation Abstract:
May kabalintunaan sa pananaliksik tungkol sa tinatawag na disaster sa Pilipinas. Tinatanggap natin na isang social construct ang disaster. Ngunit sa kabila nito, ang ginagamit natin na mga konsepto, teorya at metodo upang magsaliksik tungkol sa disaster ay galing lahat sa Kanluran. Sa artikulong ito, uugatin natin ang mga dahilan sa likod ng ganitong kabalintunaan sa umiiral na hegemonya ng Kanluran sa pananaliksik tungkol sa disaster sa Pilipinas. Mahalaga ang hegemonya na ito dahil ito ang batayan ng pagbubuo ng malalawak na talastasan sa larangan ng polisiya at praxis. Dahil dito, sinusuportahan ng mga pananaliksik tungkol sa disaster ang imperyalistang agenda ng Kanluran sa tinatawag na disaster risk reduction. Magbibigay ang huling bahagi ng artikulong ito ng ilang direksyon patungo sa isang alternatibong Pilipinong pananaw tungkol sa disaster.